Sunday, April 10, 2011

Ang Aking Pinakamamahal na Anak


Dear Anak,

Kumusta ka na anak? Pinadala na pala namin ang 80,000 pang TUITION mo ngayong buwan.

Binenta na rin naming ang kalabaw. MAHAL pala ang subject na DOTA nak???

Wala na rin pala ang mga kambing, binenta narin para sa iyong PROJECT na IPAD2 ba ‘yon anak?

Kasama na rin jan ang pang field trip mo sa BORACAY at PALAWAN, malayo pala ‘yon nak noh?

Sinangla narin pala naming ang BAHAY para mabili mo na ang project mo sa MAPEH na musical instrument. IPOD ba ‘yon anak?

Kumusta pala ang EXPERIMENT ninyo? Iyong SANMIG LIGHT ba yon? Napasindi mo ba anak?

Bilhin mo na rin pala ang aklat na kailangan mo, ‘yung FACEBOOK para hindi ka na mambroblema.

Sana GAGRADUATE ka na anak... LOVE YOU.

Love,

Nanay at Tatay

No comments: