Friday, May 7, 2010

Sulat ni Tatay at Nanay


Sa aking pagtanda. Unawain mo sana ako at pagpasensiyahan..

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan.

O nakatapon ng sabay sa hapag-kainan huwag mo sana akong kagagalitan.

Mararamdamin ang isang matanda.

Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang aking tainga ko at hindi kita maintindihan.

Huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi.

Pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensiya ka na, anak.

Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tumayo.

Katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensiyahan mo sana ako.

Kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka.

Basta pakinggan mo na lang ako.

Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?

Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yung sasabihin.

Maghapon kang mangugulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo.

Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy.

Amoy-matanda, amoy-lupa.

Huwag mo sana akong pilting maligo.

Mahina na ang katawan ko.

Madaling magkasakit kapag nalamigan. Huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa?

Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo na kung madalas, ako’y masungit.

Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo.

Kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.

Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho.

Kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?

Pinagtiyagaan kong pakinggan at iniitindi ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong pakikipaglaro.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at marating sa banig ng karamdaman..

Huwag mo sana akong pagsawaan alagaan.

Pagpasensiyahan mo na sana…

Kung ako man ay maihi o magdumi sa higaan.

Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw…

Hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang magalala…

Kapag kaharap ko na ang Diyos na Lumikha.

Ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana…

Dahil mapagmahal ka sa iyong Ama’t Ina.